
Ano nga ba ang impokrita?
Ito ay isang tao na mapamintas sa mga bagay na kanyang sinasabing mali subalit isa siya sa mga unang tao na gumagawa ng mga mali kanyang pinaka ayaw. Kung sa unang tingin o pananaw ay masasabi natin na ang impokrita ay plastik ngunit malaki ang pagkakaiba ng dalawang nilalang.
Plastik defined:
Ang plastik ay isang taong mapapanggap na gusto nito ang isang tao o ang isang bagay ngunit sa totoo ay hindi. Kalimitan ng mga plastik ay impokrita dahil lahat ng bagay na mali lamang ang nakikita nito sa taong kanyang pinaplastik. Ngunit hindi lahat ng impokrita ay plastik. Bakit? Dahil may mga impokritang matatapang pumuna sa mga "mali" na sila rin ay nakakagawa. Bat ko nga ba naisipan itong topic na to? Sa totoo lang wala lang. Pero ngayon na aking sinusulat na ito ay napagtanto ko (wow lalim to pre!) na dumating din ako sa panahon na ako ay naging impokrita din. Human nature na din siguro ang pagiging impokrita. Sa kagustuhan natin na mas maging lamang sa isang tao ay nagiging impokrita tayo. Nangyayari ang pagiging impokrita pag gusto natin na maging mas mabuti tayo sa isang tao. Lumalabas ang panget na ugaling to kapag gusto natin pagtakban ang mga bagay na ginagawa natin ngunit hindi tanggap ng lipunan.
0 comments:
Post a Comment